Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Posted by Ar Ey on Sep 20, '08 2:43 AM for everyone

PAKIUSAP:

Huwag po muna kayong bumili ng pasalubong na siopao, siomail at iba pang putahe sa Kowloon House.

Bakit? Ang pinagkakatiwalaan po ninyong mga cook, waiter, food checker at iba pang manggagagawa ng Kowloon House ay wala sa loob ng restawran.

Kasalukuyan po kaming nakawelga.

 

 
 

 

 

 

 

 


Ibalik sa trabaho ang 74 manggagawang iligal na tinanggal!

 

Noong Sabado, September 13, hindi na pinapasok ng mga guwardiya ang 73 manggagawa dahil sa desisyong ibinaba ng National Labor Relations Commission (NLRC) na pumabor sa isinampang kaso ng Kowloon Management na illegal strike laban sa aming unyon.

 

MALI at WALANG BATAYAN ang naging desisyon ng NLRC. Ang piket-protestang isinigawa namin noong Hunyo ay mapayapang sama-samang pagkilos sa panahon ng aming breaktime. Walang natigil na produksyon, malayang nakakapasok ang mga kustomer sa restawran.

 

Kami ay naglunsad ng sama-samang pagkilos dahil sa hindi pagpapatupad ng management ng mga wage order na ibinaba ng Regional Wage Board. Maliwanag na paglabag ito ng management sa aming Collective Bargaining Agreement (CBA). Nakasaad sa aming CBA na dapat ipatupad ng management nang across-the-board ang anumang dagdag sahod na ipag-uutos ng gobyerno. Hindi naman nag-file ng exemption ang management kaya’t wala silang dahilan ibinbin ang mga wage order #13 nang mahigit isang taon at patuloy na binbin itong pinakahuling wage order #14.

 

Dahil na rin sa aming sama-samang pagkilos, napilitang makipag-usap ang management at nakipag-ayos na ibibgay nila ang P50, mula sa P82 (na total na utang ng management sa aming mga manggagawa mula sa hindi pagpapatupad ng Wage Orders #13 at #14). Buong tiwalang nakipagkasundo ang aming unyong sa management sa harap pa mismo ng National Concilliation and Mediation Board (NCMB). Bagama’t naniniwala kaming kayang ibigay ng amangement nang buo ang aming mga kahilingan.

 

TOTAL BACK WAGES NA HINIHINGI NG MGA MANGGAGAWA MULA SA MGA WAGE ORDERS = P3,498,600.00

 

BENTA NG KOWLOON HOUSE SA SIOPAO SA ISANG ARAW (7,000 pcs. X P47.00) = P329,000.00 X 11 DAYS = P3,619,000

 

11 araw na benta ng SIOPAO lang ang katumbas ng BACK WAGES ng mga manggagawa!

 

Ngunit sadyang TUSO ang mga may-ari ng Kowloon na sina Paul Ng at Michael Ng. Ilang linggo lang pagkaraan ng pag-uusap hinggil sa wage orders, lumalabas ang desisyon ng NLRC hinggil sa illegal strike at tinanggal ang 73 manggagawa at kasapi ng aming unyon. Isang beses lang pinatikim sa amin ang napagkasunduang P50. Ito na pala ang aming huling sahod at tanggal na kami sa trabaho!

 

Paul Ng, Michael Ng: MGA UNION BUSTER! MGA GANID SA TUBO!

 

May mga manggagawang 40 taon ng nagtatrabaho sa Kowloon: P377/day lamang ang sinasahod

 

May manggagawang 10 taon ng nagtatrabaho sa Kowloon: P250/day ang sinasahod

Kontraktwal pa rin at hindi ginagawang regular ng management

Walang payslip at hindi itemized ang mga salary deductions

 

Malinaw ring ang layunin ng kapitalista sa pagtatanggal ng 73 manggagawa ay ang WASAKIN, DURUGIN ang aming UNYON! Sagabal sa kanyang pagkamal ng sobrang tubo ang aming palaban at militanteng unyon.

 

Sa ganitong kalagayan, WELGA ang tanging armas naming mga manggagawa upang ipaglaban ang aming mga karapatan. Wala na kaming aasahan pa sa gobyerno at mga institusyon nito tulad ng NLRC. Sa halip na pangalagaan ang aming trabaho at kabuhayan ng aming mga pamilya ay sila pa mismo ang nagiging kasabwat ng management sa pagtatanggal sa amin sa trabaho. Pinapatay nila ang aming mga pamilya.

 

Kaya’t hinihingi namin ang inyong pag-unawa at pagsuporta sa aming welga. Tunay na makatarungan ang aming mga ipinaglalaban at patuloy kaming maninindigan hanggang makamit namin ang tagumpay!

 

IBALIK ANG 73 TINANGGAL NA MANGGAGAWA SA KOWLOON HOUSE!

SAHOD, TRABAHO, AT KARAPATAN – IPAGLABAN!

KONDEHNAHIN ANG SABWATANG  NLRC at KOWLOON!

 

KOWLOON HOUSE WEST CHAPTER – GLOWHRAIN – KMU

Genuine Labor Organization of Workers in Hotel, Restaurant, and Allied Industries

KILUSANG MAYO UNO


bangdizon wrote on Sep 25, '08
anton, db yung 15 pumayag uli maging contractual sa kowloon? ang sad...kelan uli kayo pupunta dun?
redstudentswill wrote on Sep 26, '08
ngayon bang. ngayon! hehehe. as in 2pm onwards nasa Kowloon na ang mga ANAKBAYAN. punta ka ha?

(ang weird, parang di mo alam cell # ko)
pertcis wrote on Apr 16, '09
ang tagal din ng laban nila. Seven months.
May usap ngayon sa pagitan ng management at ng Kowloon workers. Sana magandang balita ang bitbit ko mamaya.
Add a Comment